Sunday, February 16, 2014

DLSU Lady Spikers Got a Trice to Beat Ticket on the UAAP Season 76 Finals

Another Big Event at the Big Dome! The De La Salle Lady Spikers as they did in season 74 won a trice to beat privilege after having a 14 – 0 standing. The De La Salle Lady Spikers got their trice to beat ticket towards UAAP season 76 womens volleyball finals in a game called as preview of the finals, as the top 2 teams compete for their last game before finals. After a 4 set game, The Lady Spikers won against National University’s lady bulldogs with a score of 14-25, 26-24, 25-21 and 25 - 20. Captain Abigail Maraño was awarded as Best Player of the Game. The Lady Spikers has slow start at the first set of the game but with the spirit and leadership of Captain Abigail Maraño who is playing for her last year, the Lady Spikers got to stay on their place as undefeated during this season 76. A lot of fans are looking forward to who will compete for the final four with the De La Salle University, National University and Ateneo De Manila University. Will it be the Far Eastern University or the Adamson University. Don’t forget to watch it on San Juan Arena on Wednesday, Feb 19, 2014 from 4 pm to 6 pm with Live telecast at ABS-CBN Sport + Action.

                                                                                                -Eris Sophia Felizidad ( KMF)

Pangalawa Lang

Nakakainis, nakakairita! Hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko maintindihan e! nasasaktan ako nang hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko alam kasi hindi niya sinasabi. Hindi ko alam kung tatanggapin ko na lang ng ganoon kadali, o baliwin ang sarili ko sa paghahanap ng sagot na hindi naman mahahanapan ng kasagutan hanggat hindi niya sinasabi. Masakit na talaga! Parang nawawalan ng hangin ang dibdib ko. Emptiness. Yan ang natira kaya masakit. Hindi ko alam kung makakaya ko pa o bibigay na ako. Basta ang alam ko MASAKIT! Yan ang kapalit ng pag-ibig ko sayo! It’s the price I paid for loving you.
Nakakatawa dahil nagising pa ako ngayon.  Hindi ko akalaing, matapos ang sakit na iniiyak ko kagabi, mayroon pang panibagong umaga. Panibagong umaga upang malungkot at umiyak ulit sa taong hindi ko naman maintindihan. Mahal ko, pero may mahal na iba. Mahal ko kahit pa nasasaktan ako. Kailan kaya ako mapapagod? Kailan kaya ako susuko? Kailan kaya ako titigil, kung pagdating sayo una siya at ako, pangalawa lang?

                                                                                                                -Eris Sophia Felizidad ( KMF)

Liwanag at Dilim

Nagsimula ang lahat sa simpleng tingin. Mula noon ay bumangon ang kyuryosidad sa akin. Paano kaya kung subukan ko din? Paano kaya kung tikman ko din? Mukhang masarap naman kung susuriin. Tila may thrill pa nga kung ako’y titikim. Hanggang sa tuluyan na akong natukso, dahan – dahang napalapit sayo. Medyo may alinlangan pa noong una, ngunit kalaunan ay naging kalmado na ako. Ipinatay ko pa ang ilaw bago tuluyan kang harapin. May gumuhit na sakit nung una, ngunit  unti – unti ito’y napalitan ng kaligayahan. Kaligayahang abot langit, di ipagpapalit sa kahit anong salapi. Sa amoy mong naka-aaliw, dahan – dahan kong ikinabaliw. Ika’y aking naging kasiyahan, takbuhan kung may problema.  Minsan ay naisip kong sana maging malaya din tayo. Hindi tago ng tago sa liwanag ng tama at totoo. Ngunit isang araw ako ay nagising. Hinanap kita, ngunit wala ka sa aking piling. Ito na ang araw na ayokong dumating, araw na di ka na babalik sa akin. Dilim ang bumalot sa akin, nalilito sa dapat kong gawin. Tila ako’y mababaliw, tahimik at paralisado sa bawat bitiw, ng luhang patuloy na dumadaloy ng taimtim. Biglang natawa sa aking sinapit, isang hagikgik sa labi’y namutawi. Yan ang napapala ng mga tumitikim! ng kay tamis na bawal na PAG-IBIG , sa dulo ay may pait na hatid.


                                                                                                -Eris Sophia Felizidad ( KMF)

A Sudden Twist of Distraction

Dati wala lang sa akin ang oras. Chill lang ang buhay ko. I always get what I want.  “Happy-go-lucky, Party animal, Play girl, Ms. University, Ms. Number 1 (dahil straight uno ang grade ko mula noong 1st year.)” Ilan lang yan sa mga tawag sa akin. Pero may isang lalaking sinabihan ako ng “Isip bata, Iresponsable, Panget at higit sa lahat Walang Kwenta. Naiinis ako dahil hindi nga niya ako kilala tapos ganoon ang sasabihin niya sa akin? Ni hindi ko nga siya kilala eh! Ang kapal ng mukha niya. Naisip ko tuloy wala naman akong kasalanan sa kanya ahh! Hindi ko lang alam kung isa siya sa mga binasted ko noon which I doubt kasi hindi ko palalagpasin ang ganun ka-gwapong lalaki. Pero ang sakit sa pride at ego ahh. Ganito man ako hindi naman ako naaalis sa Top 1, sa pagiging face of the campus at Artist of the year mula noong 1st year high school tapos ngayong college Dean’s lister ako, running for Suma Cum Laude kahit lagi akong nasa party, hindi ko naman nakakalimutan at pinapabayaan ang pag-aaral ko. At hindi rin ako ang nagsisimula ng away nuh! “Good Girl” naman ako when it comes to school rules and policies yun nga lang madami talagang insecure sa kagandahan ko kaya hindi nila mapigilang mainggit. Oo alam kong nagyayabang ako ngayon. Eh, may ipagmamayabang eh! Proud lang talaga ako pero alam ko kung kailan magpapakumbaba. Kaya bwisit ako sa lalaking yun! Di ko talaga mapigilang isipin yung pagpapahiya niya sa akin sa school cafeteria nung isang linggo. Natapunan kasi siya ng frappe na iniinom ko. At hindi ko yun kasalanan nuh! Yung babaeng nakatabig sa kamay ko ang dahilan kaya yun natapon sa kanya. Binigyan ko pa nga siya ng pambili ng damit kasi nagmamadali ako dahil may demo ako sa next class ko eh. And speaking of the devil, natatanaw ko nanaman ang lalaking yun!

Ito na ‘Yon!

Mahal ko ang bestfriend ko, Sino nga ba ang hindi mahuhulog sa isang mabait, matalino, gwapo, malambing, madaling pakisamahan at higit sa lahat gentleman na bestfriend ko? Siya na Valedictorian ng elementary at high school, ultimate crush ng bayan. Sinong hindi maiinlove? Hindi ko nga rin alam kung paano kami naging magbestfriend, basta mula kinder, magkakaklase at magkaibigan kami. Ako ang naging takbuhan niya pag may problema at may sama siya ng loob.
Nagulat ako isang araw mula sa kawalan bugla niya akong tinanong.
“Bestfriend, para sayo anong bagay ang makakapagpakilig sayo?” napahinto ako. At natawa dahil seryosong  - seryoso siya.
“Bestfriend seryoso?” tinukso ko pa siya lalo ng mamula ang mukha niya. “Uyy... Ang bestfriend ko inlove! Sino ang maswerteng babaing to?” masabunutan nga at mapakuluan ng buhay sa kulukulong matinka. Ang bitter ko! Kaya pinilit ko na lang siyang umamin kung sino.
“Bestfriend, malalaman mo din sa tamang panahon...” Ang cute niya habang nakangiting sinasabi yun.
“Pero bestfriend sagutin mo muna yung tanong ko.” Dagdag niya kaya sumiryoso na ako.
“Bestfriend alam mo, ang babae kinikilig na sa simpleng effort ng lalaki para sa kanila.” Halos matunaw ako sa titig niya habang sinasabi ko yan.
“Pero kung ako ang tatanungin, maas nakakalig yung ipagsisigawan ng isang lalaki na mahal niya ako. Yung  ipapakilala niya ako sa mga barkada at pamilya niya” naimagine ko tuloy si bestfriend na pinapakilala ako bilang girlfriend at hindi lang bestfriend kila Tito at Tita. Nakakakilig yun! Hahaha ang lakas ko mag-imagine.
Dumating ang Valentine’s day makalipas ang tatlong araw. At katulad ng ibang valentine’s day naglipana nanaman ang magkasintahang sweet-sweetan, umuulan ng pulang puso at siyempre ang mga imahe ni kupido hindi magpapahuli. Hindi ko nga akalain na may magbibigay ng chocolates, rose at love letters sa akin eh. Pero siguro mas masaya at mas maaapreciate ko yun kung si bestfriend ang nagbigay sa akin.
Uwian na nang lumapit sa akin si bestfriend, “Una na ako bestfriend!” sabi niya sabay labas ng gate. Kaya sumabay na lang ako sa barkada umuwi. Naglalakad na kami papuntang sakayan, nakayuko nga lang ako at walang imik habang nag-aasaran ang barkada tungkol sa mga sweet moments na nangyari kanina. Nakikingiti din ako minsan kasi ayoko lang na makita nilang medyo down ako dahil kahit simpleng “Happy Valentines Day” na pagbati galing kay bestfriend wala.
Napatingin anko ng diretso ng maghiyawan ang buong barkada. Nakita ko si bestfriend na may dalang bungkos ng mga rosas at napaka laking teddybear na may hawak na isang nakarolyong papel. Tinukso nila ako.
“Uyy.. baka magtatapat na sayo ang bestfriend mo!” sabi ng isa sa barkada.
“Hindi na siya manhid! Naramdaman din niya sa wakas.” hirit naman ng isa pa kaya nagtawanan kami.
Namula ako sa sinabi nila. Naisip ko tuloy bigla na baka “Ito na ‘yon!” baka ito na talaga ang araw ng katuparan ng pangarap kong hindi matupad – tupad.
Papalapit na siya ng papalapit. Grabe! Mamatay – matay ako sa killer smile niya. Tumigil siya sa harap ko at may kinapa sa bulsa. “Basahin mo na lang ‘to mamaya.” Sabay abot sa akin ng isang sulat.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. “Guys, buti buo ang barkada. Kasi gusto kong malaman niyong sobrang inlove ako ngayon.” Halatang kinakabahan siya at lahat kami ay iniintay ang susunod niyang sasabihin.
“Sa harap ninyong lahat, gusto kong ipakilala sa inyo ang babaing mahal ko.” Huminto siya ng malalim at tumingin sa akin. Humakbang siya papalapit. Siguro ito na talaga ‘yon!
“Guys, Bestfriend..” halo – halong emosyon ang nararamdaman ko. Kaba,Saya at Tuwa.
Humakbang pa siya ulit at halos huminto ang mundo ko. Inabot niya ang dala niya sa babaing kadarating lamang sa likuran ko at nilampasan lang ako. Di ko na napigilan ang luha ko. Ito na nga ‘yon! Ang Sakit!


                                                                                                -Eris Sophia Felizidad ( KMF)