Sunday, February 16, 2014

Liwanag at Dilim

Nagsimula ang lahat sa simpleng tingin. Mula noon ay bumangon ang kyuryosidad sa akin. Paano kaya kung subukan ko din? Paano kaya kung tikman ko din? Mukhang masarap naman kung susuriin. Tila may thrill pa nga kung ako’y titikim. Hanggang sa tuluyan na akong natukso, dahan – dahang napalapit sayo. Medyo may alinlangan pa noong una, ngunit kalaunan ay naging kalmado na ako. Ipinatay ko pa ang ilaw bago tuluyan kang harapin. May gumuhit na sakit nung una, ngunit  unti – unti ito’y napalitan ng kaligayahan. Kaligayahang abot langit, di ipagpapalit sa kahit anong salapi. Sa amoy mong naka-aaliw, dahan – dahan kong ikinabaliw. Ika’y aking naging kasiyahan, takbuhan kung may problema.  Minsan ay naisip kong sana maging malaya din tayo. Hindi tago ng tago sa liwanag ng tama at totoo. Ngunit isang araw ako ay nagising. Hinanap kita, ngunit wala ka sa aking piling. Ito na ang araw na ayokong dumating, araw na di ka na babalik sa akin. Dilim ang bumalot sa akin, nalilito sa dapat kong gawin. Tila ako’y mababaliw, tahimik at paralisado sa bawat bitiw, ng luhang patuloy na dumadaloy ng taimtim. Biglang natawa sa aking sinapit, isang hagikgik sa labi’y namutawi. Yan ang napapala ng mga tumitikim! ng kay tamis na bawal na PAG-IBIG , sa dulo ay may pait na hatid.


                                                                                                -Eris Sophia Felizidad ( KMF)

No comments:

Post a Comment