Sunday, February 16, 2014

A Sudden Twist of Distraction

Dati wala lang sa akin ang oras. Chill lang ang buhay ko. I always get what I want.  “Happy-go-lucky, Party animal, Play girl, Ms. University, Ms. Number 1 (dahil straight uno ang grade ko mula noong 1st year.)” Ilan lang yan sa mga tawag sa akin. Pero may isang lalaking sinabihan ako ng “Isip bata, Iresponsable, Panget at higit sa lahat Walang Kwenta. Naiinis ako dahil hindi nga niya ako kilala tapos ganoon ang sasabihin niya sa akin? Ni hindi ko nga siya kilala eh! Ang kapal ng mukha niya. Naisip ko tuloy wala naman akong kasalanan sa kanya ahh! Hindi ko lang alam kung isa siya sa mga binasted ko noon which I doubt kasi hindi ko palalagpasin ang ganun ka-gwapong lalaki. Pero ang sakit sa pride at ego ahh. Ganito man ako hindi naman ako naaalis sa Top 1, sa pagiging face of the campus at Artist of the year mula noong 1st year high school tapos ngayong college Dean’s lister ako, running for Suma Cum Laude kahit lagi akong nasa party, hindi ko naman nakakalimutan at pinapabayaan ang pag-aaral ko. At hindi rin ako ang nagsisimula ng away nuh! “Good Girl” naman ako when it comes to school rules and policies yun nga lang madami talagang insecure sa kagandahan ko kaya hindi nila mapigilang mainggit. Oo alam kong nagyayabang ako ngayon. Eh, may ipagmamayabang eh! Proud lang talaga ako pero alam ko kung kailan magpapakumbaba. Kaya bwisit ako sa lalaking yun! Di ko talaga mapigilang isipin yung pagpapahiya niya sa akin sa school cafeteria nung isang linggo. Natapunan kasi siya ng frappe na iniinom ko. At hindi ko yun kasalanan nuh! Yung babaeng nakatabig sa kamay ko ang dahilan kaya yun natapon sa kanya. Binigyan ko pa nga siya ng pambili ng damit kasi nagmamadali ako dahil may demo ako sa next class ko eh. And speaking of the devil, natatanaw ko nanaman ang lalaking yun!

No comments:

Post a Comment