Mahal ko ang bestfriend ko, Sino
nga ba ang hindi mahuhulog sa isang mabait, matalino, gwapo, malambing,
madaling pakisamahan at higit sa lahat gentleman na bestfriend ko? Siya na
Valedictorian ng elementary at high school, ultimate crush ng bayan. Sinong
hindi maiinlove? Hindi ko nga rin alam kung paano kami naging magbestfriend,
basta mula kinder, magkakaklase at magkaibigan kami. Ako ang naging takbuhan
niya pag may problema at may sama siya ng loob.
Nagulat ako isang araw mula sa
kawalan bugla niya akong tinanong.
“Bestfriend, para sayo anong bagay
ang makakapagpakilig sayo?” napahinto ako. At natawa dahil seryosong - seryoso siya.
“Bestfriend seryoso?” tinukso ko
pa siya lalo ng mamula ang mukha niya. “Uyy... Ang bestfriend ko inlove! Sino
ang maswerteng babaing to?” masabunutan nga at mapakuluan ng buhay sa
kulukulong matinka. Ang bitter ko! Kaya pinilit ko na lang siyang umamin kung
sino.
“Bestfriend, malalaman mo din sa
tamang panahon...” Ang cute niya habang nakangiting sinasabi yun.
“Pero bestfriend sagutin mo muna
yung tanong ko.” Dagdag niya kaya sumiryoso na ako.
“Bestfriend alam mo, ang babae
kinikilig na sa simpleng effort ng lalaki para sa kanila.” Halos matunaw ako sa
titig niya habang sinasabi ko yan.
“Pero kung ako ang tatanungin,
maas nakakalig yung ipagsisigawan ng isang lalaki na mahal niya ako. Yung ipapakilala niya ako sa mga barkada at
pamilya niya” naimagine ko tuloy si bestfriend na pinapakilala ako bilang
girlfriend at hindi lang bestfriend kila Tito at Tita. Nakakakilig yun! Hahaha
ang lakas ko mag-imagine.
Dumating ang Valentine’s day
makalipas ang tatlong araw. At katulad ng ibang valentine’s day naglipana
nanaman ang magkasintahang sweet-sweetan, umuulan ng pulang puso at siyempre
ang mga imahe ni kupido hindi magpapahuli. Hindi ko nga akalain na may
magbibigay ng chocolates, rose at love letters sa akin eh. Pero siguro mas
masaya at mas maaapreciate ko yun kung si bestfriend ang nagbigay sa akin.
Uwian na nang lumapit sa akin si
bestfriend, “Una na ako bestfriend!” sabi niya sabay labas ng gate. Kaya
sumabay na lang ako sa barkada umuwi. Naglalakad na kami papuntang sakayan,
nakayuko nga lang ako at walang imik habang nag-aasaran ang barkada tungkol sa
mga sweet moments na nangyari kanina. Nakikingiti din ako minsan kasi ayoko
lang na makita nilang medyo down ako dahil kahit simpleng “Happy Valentines
Day” na pagbati galing kay bestfriend wala.
Napatingin anko ng diretso ng
maghiyawan ang buong barkada. Nakita ko si bestfriend na may dalang bungkos ng
mga rosas at napaka laking teddybear na may hawak na isang nakarolyong papel.
Tinukso nila ako.
“Uyy.. baka magtatapat na sayo ang
bestfriend mo!” sabi ng isa sa barkada.
“Hindi na siya manhid! Naramdaman
din niya sa wakas.” hirit naman ng isa pa kaya nagtawanan kami.
Namula ako sa sinabi nila. Naisip
ko tuloy bigla na baka “Ito na ‘yon!” baka ito na talaga ang araw ng katuparan
ng pangarap kong hindi matupad – tupad.
Papalapit na siya ng papalapit. Grabe!
Mamatay – matay ako sa killer smile niya. Tumigil siya sa harap ko at may
kinapa sa bulsa. “Basahin mo na lang ‘to mamaya.” Sabay abot sa akin ng isang
sulat.
Huminga siya ng malalim at
ngumiti. “Guys, buti buo ang barkada. Kasi gusto kong malaman niyong sobrang
inlove ako ngayon.” Halatang kinakabahan siya at lahat kami ay iniintay ang
susunod niyang sasabihin.
“Sa harap ninyong lahat, gusto
kong ipakilala sa inyo ang babaing mahal ko.” Huminto siya ng malalim at
tumingin sa akin. Humakbang siya papalapit. Siguro ito na talaga ‘yon!
“Guys, Bestfriend..” halo – halong
emosyon ang nararamdaman ko. Kaba,Saya at Tuwa.
Humakbang pa siya ulit at halos
huminto ang mundo ko. Inabot niya ang dala niya sa babaing kadarating lamang sa
likuran ko at nilampasan lang ako. Di ko na napigilan ang luha ko. Ito na nga
‘yon! Ang Sakit!
-Eris
Sophia Felizidad ( KMF)